07 Nov 2008 - 08:02:08 am
UNANG PANANALAYSAY TUNGKOL SA BUHAY BUHAY

BUHAY
ni Noy Cua
ANG SIMULA...
Mataas ang araw,maiinit at maalinsangan,ngunit narito ako di alintana ang nakakapasong daplis ng maiinit na hangin,tumatakbo kahit pudpod ang tsinelas,hinahanap ang dulo ng daang tinatahak, SAAN AKO TUTUNGO?
Ang buhay ay tila daanang mahaba na tinatahak ngunit hindi malinaw ang hangganan,ngunit itoy siguradong may katapusan. Natanong na ba natin ang mga tanong na: bakit?, ano? at saan? tungkol sa ating kasalukuyang kalagayan na kahit mahirap matagpuan ang mga kasaguta'y pilit kinakapa kahit sa madilim.
ilang taon ka na?siguro ngayon masasabi mong nakalayo ka na sa iyong paglalakbay,ngunit iyo na bang natapagpuan ang mga sagot sa mga bumabagabag na tanong? ilan ang musmos pa lamang ay yumao naat ang mga nasa tamang edad na nagpaalam? naabot na nila ang "finish line" ngunit ilan kaya sa kanila ang nakadampot ng tamang sagot at ilan ang napalihis?
Isipin mong bawat araw ay may hangganan upang matagpuan ang tamang daan, huwag sayangin ang bawat minuto sapagkat ang buhay ay maiksi lamang.
ITO TALAGA ANG SIMULA....
Sa mga oras na ito,siguro naglalaro ka o kayo ng mga uso tulad ng "airsoft" , "on-line games" o nagpapatugtog ng mga bago at sikat na kanta sa magara mong iPOD o cellphone, pero heto ako'y nagsasayang ng inta ng ballpen kong mumurahin, hindi naman ako siguradong babasahin nga ito ng mga taong malapit sa akin....
Kilala mo ba ako?....
Sigurado ka?...
Buti ka pa...
--------------------------------------------------------------------------------------------------
KOMIKS...
Noy: haaaaaay buhay... sana superhero na lang ako.
Langaw: psst...
Noy: sino un?
Langaw: tingin ka sa libro mo!
Noy: wala pa naman akong libro e.
Langaw: tanga! sa librong binabasa mo.
Noy: ngeeee... LANGAW!!! NAGSASALITA???
Langaw: ikaw ngang nilalangaw nagsasalita ako pa kaya.
Noy: panaginip ba to?
Langaw: eeeeeeeennnggkk *tuk*
Noy: awwww! bat mo ako kinagat!
Langaw: para magising ka.
Noy: anong kailangan mo sakin?
Langaw: lahat ba ng kinakausap mo may kailangan sayo?
Noy: ahmmm... siguro.... ewan.... MALAMANG.
Langaw: makikipagkaibigan lang po ako.
Noy: yun lang pala! ok.
Langaw: pa utang nga,may pagkain ka diyan?,patext naman o wala kasi akong load
Noy: demanding naman nito! o ayan, unlimited pa yan.
Langaw: tanga ka ba?sa tingin mo kaya ko?ikaw na pumindot!
noy: (angas) sino ba itetext mo?
Langaw: ung jerpren ko.
Noy: sino nga!
Langaw: chiklet! teka ayon na siya, bye! eeeeeeeennnggkk....
Noy: bye!
----------
Nakipagkaibigan ka na ba sa langaw? weird ba? tama nga si Bob Ong,masarap makipagkaibigan sa langaw. Speaking of Mr. Bob Ong! isa si Mr. Bob Ong sa pinakasikat na manunulat sa pinas dahil sa kanyang malawak na pagiisip at "pen" na hindi nauubusan ng inta,siya ang sumulat ng abnkkbsnplako,alamat ng gubat,stainless longganisa,bakit baligtad magbasa ang mga pilipino,ang paboritong libro ni hudas at ang kanyang nobelang McArthur,maraming tagapaghanga si Mr. Bob Ong(isa na ako don).dahil sa sobrang pagkaidolo nila sakanya,pati mga linya na isinusulat niya sa kanyang libro ay ginagawang "quotes".
Langaw: mga quotes nga ni Bob Ong.
Noy: huh? close ba kami?
quote of the day:
"huwag na huwag kang makikipag-usap sa langaw, lalangawin ka!"
ANG MEDYAS KONG PULA!
(ilang araw na lang pasko na)
busy na kaya si santa claus?
sino ang inaasahan mong magbibigay ng regalo sayo pagdating ng pasko?
hinabol ka na ba ng aso habang nangangaroling?
binabati mo ba si Jesus pag pasko?
anong madalas mong kinakain pag pasko?
excited ka na ba?
kahit sa araw ng pasko hindi natin maiiwasan ang magkaroon ng maraming problema.
MALIGAYA PA NGA BA PAG PASKO?
Alam mo ba ang "address" ni santa claus? hihiling lang sana ako sakanya na sana pag dating ng pasko lahat ng tao maligaya,lahat ng tao mabigyan ng pagkakataong ngumiti,lahat ng tao makakain, at higit sa lahat,sana lahat ng tao magmahalan pag dating ng pasko, ang mahal na pala ng puto bungbong,pati ang keso de bola at mga prutas sa palengke. may pulang medyas ka ba? ako meron, naniniwala kasi akong kapag sinasabit mo ang pulang medyas sa pintuan ng bahay niyo (note: sa pintuan ng bahay niyo hindi sa kapitbahay) lalagyan ito ni santa claus ng mga kendi,kahit alam kong si nanay ang naglalagay.
HANGGANG SA MULI...
Dear Noy,
I HATE YOU
LOVE,
LANGAW.
Katulad ng liham sa akin ng kaibigan kong si langaw, magpapaalam na muna ako at ito na ang huling tuldok sa sulat ko.
*end
Syndication
abangan niyo ang susunod kong sulat.
mahal ko kayo.