09 Nov 2008 - 07:02:59 pm
ALAM NYO BANG KUNG ANO ANG ZINE?
Ang zine- ay isang uri ng pahayagang maliit
lamang ang bilang ng imprenta, sariling-limbag, kadalasan ay
'xerox-copy' at isinulat lamang ng isa o kakaunting bilang ng mga
may-akda na malalalim ang kultural na interes. Karaniwang nilalaman
nito ang mga sulatin at pananaw tungkol sa mga alternatibong kultura
tulad ng underground music, kaisipang feminista, opinyong pulitikal,
talambuhay (sulating personal), talang-lakbay, pagkukumpuni,
prinsipyong DIY, at marami pang ibang paksa na hindi kadalasang
naitatampok sa mga malalaking pahayagan, magasin, aklat at ibang
karaniwang babasahin.
Ang pinaka-nakakaakit na katangian ng zine ay ang pagiging malaya
nito sa nilalaman at sa pagsala ng itinalagang patnugot (editor) dahil
sa ang lumikha nito, na karaniwang tinatawag na 'zinester', ang may
kontrol sa kung anuman ang nais niyang ilathala.
Masasabi na ang zine ay isang personal na pahayagan ng mga
indibidwal na naghahanap ng mga paksang hindi kayang ibigay ng
malalaking diyaryo o mahahanap sa mga tindahan ng libro tulad ng
National Bookstore at Goodwill.
Ang konsepto ng zine ay tinagurian ng mga modernong mananaliksik na
nagmula sa pangkabataang kultura ng Estados Unidos, bagamat mayroon
nang kasaysayan ng pangsariling-paglilimbag sa Pilipinas simula nang
mailathala ang La Solidaridad at nang maglabas ang mga miyembro ng La Liga Filipina
ng mga polyeto na bumabatikos sa pang-aabuso ng pamahalaang kolonyal ng
Espanya sa Pilipinas. Noong ika-1980's, sa pagpasok ng kulturang 'punk'
sa bansa, inilabas ni Tommy Tanchangco, may-ari ng dating Twisted Red
Cross na 'punk record label', ang Herald X, isang zine na ang karamihan sa laman ay halaw sa Maximumrockandroll, isa sa mga sikat na punk zine sa Estados Unidos.
Maraming mga zines na nailalabas sa Pilipinas, na siyang nagtulak
kina Claire Villacorta at Paolo Cruz, na mismo'y mga zinesters, na
ganapin ang First Philippine Zine Convention sa Ortigas, Metro Manila
noong 2001 at 2002. Dito nagkakilanlan ang mga zinesters sa buong
kapuluan at nabuo ang isang maluwag na network ng mga manunulat,
magguguhit, at mambabasa ng zines na may kinalaman sa kontekstong
kultural ng Filipino na may malaking kaibahan sa Kanluran.
Mapapansin na karamihan sa mga zines sa Pilipinas ay nasusulat sa
Ingles, dahil na rin sa pagiging malawak na diaspora ng mga Filipino sa
buong mundo, maliban lamang sa zine na Kanto, na gawa ng isang grupo ng
mga estudyante sa University of Santo Tomas.
Mula sa Wikepedia!! -epick078 ^_^

Syndication
No Comment for this post yet...